Huwebes, Oktubre 11, 2012

Ang ugali ng isang Catholic Faith Defender

                                                 Si Jesus na nakikipag-usap sa mga Pariseo


Marami, kung hindi lahat ay nakakaalam kung ano ba ang layunin ng apolohetika. Marahil, may iba na pumapasok dito dahil gusto lang nilang mang-asar. Ang iba naman ay para makipag-away sa ibang relihion. Ano ba ang layunin ng apolohetika? Upang itaguyod at ipagtanggol ang turo ng Iglesia Katolika Apostolika Romana sa mga taong nambabatikos sa aral na ito. Nanggaling ito sa salitang Griego na "apologia" o "pagtatanggol". Ano ba ang ugali dapat ng isang taong apolohetika o Catholic Faith Defender?

1. Dapat lagi siyang handa

1 Pedro 3:15, "Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot"

Kita ninyo? Kailangan laging handa ang isang apolohetika sa kung ano ang kanyang isasagot. Pano siya nagiging handa? Basahin natin ang Ecclesiastes 7:24, ganito po ang ating mababasa:

Ecclesiastes 7:24, "Ako'y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam, at sumiyasat, at humanap ng karunungan, at ng kadahilanan ng mga bagay, at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan, at ang kamangmangan ay kaululan:"

Naghahanap dapat siya ng karunungan sa pamamagitan ng pagsusunog ng kilay. 

2. Nagkakaroon siya ng pasensya at kaamuan

Kawikaan 25:15, "Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto."

Kailangan nagiging mapasensya tayo dahil hindi lahat ng makikinig sa atin ay mapapanalo natin sa isang idlap lang. Kailangan din natin siyang idasal sa Panginoon nang sa gayon ay mahihikayat ang mga taong nakikinig sa atin.

3. Nagiging mapagpakumbaba

Kawikaan 16:18, "Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal."

Kapag tayo ay nagiging mayabang, ito ang tutulak sa atin patungong kapahamakan. Wag nating iisipin na dahil sa atin ay napapanalo ang taong may duda sa pananampalatayang Katoliko. May kasabihan na, "WIN AN ARGUMENT, LOSE A CONVERT". Hindi komo nanalo na tayo sa debate sa ibang relihion e marami na tayong napapanalo rin. May mga tao rin na kahit anong debate ang gawin natin, nagmamatigas pa rin. Wag sana ito maging paraan para tayo ay magmataas. Tularan natin si Jesus na kahit nananalo sa debate sa mga Pariseo, hindi Niya ginawang magyabang. Maging mababa tayo nang sa gayon ay nagiging asin at ilaw tayo sa mga nanlalamig nating kapatid sa pananampalataya (Mateo 5:13-16), lalo't idineklara na ng Santo Papa, Benedicto XVI ang "PORTA FIDEI" o "TAON NG PANANAMPALATAYA" (Year of Faith) sa taong ito. 

Purihin ang Pangalan ni Jesus ngayon at magpakailanman! Sa Kanya ang kaluwalhatian!!!

2 komento:

  1. May tanong po ako.... Bakit si Pablo hindi kasama sa lineage ng mga Papa gayong siya ang kanang kamay ng Church at inuutasan lang niya si Pedro? Paki sagot po ayon sa mga talata ng Banal na aklat at huwag sa imbento ng tao.

    TumugonBurahin
  2. May Tanong po ako.... Kung ang Biblia ay may kulang. Ano pong yung aklat ng Panginoon na nasa Biblia na hindi magkukulang... Pakisagot po ayon sa Biblia din.

    TumugonBurahin