Linggo, Setyembre 2, 2012

Ang katangian ng Ama at ni Cristo Jesus

                "Lahat ng mayroong Ako ay Iyo, at ang lahat ng nasa Iyo ay Akin" (Juan 17:10)

Anumang mayroon ang Ama, mayroon din ang Anak:

1. Ang Ama sinamba, si Cristo rin sinamba (Mateo 14:33)

2. Ang Ama bumubuhay sa patay, ganon din si Cristo (Juan 11:25-26)

3. Ang Ama tinawag na "Pastol", gayon din si Cristo (Juan 10:11)

4. Ang Ama tinawag na "Pag-asa". Si Cristo rin ganon (1 Timoteo 1:1)

5. Ang Ama tinawag na "Dakilang Dios", gayon din si Cristo (Tito 2:13)

6. Ang Ama tinawag na "Tagapagligtas", gayon din si Cristo (Lucas 2:11)

7. Ang Ama ay "Dios", si Cristo rin ganon (Awit 45:6-7, cf. Hebreo 1:8)

8. Ang Ama, tinawag na "Panginoon", ganon din si Cristo (1 Corinto 8:6)

9. Ang Ama ay walang hanggan, gayon din si Cristo (Mikas 5:2)

10. Ang Ama ay Manlalalang, ganon din si Cristo (Colossas 1:16)

11. Ang Ama ay "Hari ng mga hari at Panginoon ng mga paginoon", gayon din si Cristo (Apocalipsis 19:16)

12. Ang Ama ay ang "AKO NGA", gayon din si Cristo (Juan 8:58)

13. Ang Ama ay "Tunay na Dios", gayon din si Cristo (1 Juan 5:20)

14. Ang Ama ay "Liwanag", ganon din si Cristo (Juan 8:12)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento