Iglesia Ni Cristo open forum: Pag nagtanda ng krus, Anti-Cristo na????
Felix Y. Manalo
Marami sa mga kaibigan nating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo at maging sa iglesiang Protestante ang nagsisitanong kung bakit nag-aantanda ng krus ang mga Katoliko. Sabi ng isang ministro sa Central, wala namang turo ang Biblia na mag-krus. Ginagamit nila ang "Siya ang Inyong paklnggan, ang aral ng Katoliko" ni Padre Enrique Demond sa pahina 11, ganito ang ating mababasa:
"Ang TANDA ng SANTA CRUZ ay siyang TANDA ng TAONG KATOLIKO.Ang paraang ginagawa sa paggamit ng santa cruz ay dalawa: ang mag antanda at ang magkrus.Ang ang pag aantanda ay ang paggawa ng tatlong krus nang hinlalaki ng kanyang kamay;ang unay sa noo,...mabuti at pinakikinabangan lubha ang magkrus na malimit..." ("Siya ang Inyong paklnggan, ang aral ng Katoliko" ni Padre Enrique Demond ph.11)
Hindi lang yan tanda ng Katoliko, tanda po rin ng isang Kristyano. Anong masama sa sinabi ni Padre Enrique Demond? Isa pa po sa sinabi ng mga INC ni Manalo ay yung sa sinabi sa librong, "Ang pananampalataya ng ating mga ninuno" ni Cardinal James Gibbons sa pahina 10 at ganito ang ating mababasa:
"...kinukurusan namin ang aming mga NOO.Ang GAWAING ITO,Y TUNAY NGANG DI INUUTOS NANG TAHASAN NG KASULATAN:DATAPWAT INUUUTOS NG TRADISYON,..." ("Ang pananampalataya ng ating mga ninuno" ni Cardinal James Gibbons)
At eto ang nagiging konklusyon nila, dun sa "PASYONG CANDABA" ni Padre Anciento de la Merced, ganito ang ating mababasa:
"IPAG-UUTOS MAGQUINTAL sa NOO O CANANG CAMAY SUCAT PAGCACAQUILANLAN NA SILA NGA,I CAMPONG TUNAY NITONG ANTI CRISTONG HUNGHANG." ("Pasyong Candaba" by: Aniceto Dela Merced,p.207)
Naku po, ganyan ba ang konklusyon ng mga INC? Pag nag-krus daw kampon na ng Anti-Cristong hunhang? Tignan natin kung ano ang tinutukoy na nilalagay sa noo o canang camay sa Pasyong Candaba. Pasasagutin ko na ang Biblia sa Apocalipsis 13 sa talatang 16-18, ganito ang ating mababasa:
Apocalipsis 13:16-18 (Ang Dating Biblia), "At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim"
Kaninong marka ang magpapatunay na kampon ng Anti-Cristong hunghang? Ang tanda ng pangalan ng hayop at bilang ng kanyang pangalan. Walang mababasa dyan na kapag nag-antanda tayo ng krus, kampon na ng Anti-Cristong hunghang. Halatang dumaragdag ang INC sa sinabi sa Biblia. Ang tanda ng krus ay isa ring tatak. Naipaliwang ito ni kapatid na Marwil Llasos ang sa tatak ganito po:
“Ang matibay na pinagsasaligan ng Diyos ay nananatili na may TATAK nito, nakikilala ng Panginoon ang mga kanya, at lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na SUMASAMBITLA ng PANGALAN ng Panginoon. “ II Tim. 2:19
Sa talata, binabanggit ni Apostol Pablo ang tungkol sa TATAK na pinagkakakilanlan ng Panginoon ang mga kanya. Maliban sa TATAK ay binabanggit din ni Apostol Pablo tungkol sa PAGSAMBIT sa Pangalan ng Panginoon. Ano ang pangalan ng Panginoon? “…Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo” (Mt. 28:19).
Alin sa mga religion ang may PagtaTATAK habang SUMASAMBITLA ng Panginoon? Mga Katoliko ang kinatuparan ng binabanggit ni Apostol Pablo sa pamamagitan ng PAGTATAK NG KRUS habang inuusal ang pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Tanong: Ito ba ay ginawa din ni Apostol Pablo? Aba’y natural sapagkat hindi niya iaaral kung hindi niya mismo nagawa. Patunay yan, ayun sa Biblia, na si Apostol Pablo ay nagtatak ng krus. Ito ay iniaral niya kay Timoteo na kaniyang alagad. Tayo ang nagpapatuloy nito. Ano ang ikatitiyak natin? Walang ibang reliyon ang nagtatatak at sumasambit sa pangalang ng Panginoon. Kaya ayun na rin sa talata, dito makikilala ng Dios ang mga kanya. Dito rin nakikilala ang mga Katoliko.
May tatak pala sa Biblia at yun ay ang tatak ng Pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang pag-aantanda ng krus ay isang palatandaan na pingmamalaki natin ang ginawa ng Panginoong Jesus sa atin 2000 taon nang nakaraan. Dito po sa Galacia 6 sa talatang 14, ganito ang ating mababasa:
Galacia 6:14 (Ang Dating Biblia), "Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan"
Pinagmamalaki ni Pablo ang krus ni Kristo sa talatang yan. Ito ay isang tanda ng tunay na Kristyano at kapangyarihan ng Diyos ayon po sa sinabi ng talata:
1 Corinto 1:18 (Ang Dating Biblia), "Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas"
Kaya, yan ang tanda na pinagmamalaki ang krus na pinagpakuan ni Cristo. Bakit nag-aantanda ang Katoliko sa kamay at noo? Ito ay patunay ng lingkod ng Diyos. Dito po sa Deuteronomip 6 sa talatang 8, ganitp ang ating mababasa:
Deuteronomio 6:8 (Ang Dating Biblia), "At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo"
Anong tanda yon? Tanda ng krus ni Kristo at ang Pangalan ng Panginoon. Anong pangalan ng Panginoon? Basahin natin dito po sa Mateo 28 sa talatang 19:
Mateo 28:19 (Ang Dating Biblia), "Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo"
Ang tatak na ito, ang tatak ng krus ay galing sa Diyos. Ganito po ang katunayan:
Ezekiel 9:3-6 (Ang Banal na Biblia=Abriol), ‘Ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay tumaas sa mga KERUBIN na dating kinaroroonan patungo sa pintuan ng templo at tinawag ang taong nakasuot ng lino at sa kanyang tagiliran ay may hawak na sisidlan ng panulat. Sinabi sa kanya ng Panginoon, lumibot ka sa lunsod, lumibot ka sa Jerusalem at TATAKAN NG KRUS ang mga noon ng mga taong humihibik at umiiyak dala ng lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa sa loob ng lunsod…Patayin ninyo ang matanda, binata, dalaga, bata at babae hanggang sa malipol ang lahat, subalit HUWAG NINYONG GALAWIN ANG SINO MANG MAY TATAK NA KRUS.’
May tatak na krus daw! Galing ito sa Panginoong Diyos at patunay na pinagmamalaki namin ang krus ni Cristo. Sino ang gumagawa nito? Mga Catolico! Ito ang sabi sa Pasyong Mahal:
"Ngunit ang krus ni Kristo, na isinakop sa tao na siyag malapit kono, nakagaling na totoo sa naghihingalong tao" (Pasyong Mahal ph. 203)
maling salin >> Ezekiel 9:3-6 (Ang Banal na Biblia=Abriol wal namnag sinabing tanda ng crus doon
TumugonBurahinPagbinasa san ba galing ang Krus, Cross or Crucifix...hindi ito simbolo ng kabanalan.
TumugonBurahinIto simbolo ng kaparusahan.
Simbolo sa pagsamba ng pagano o sumasamba sa idolo.
In his book, The Worship of the Dead, Colonel J. Garnier wrote: "The cross in the form of the 'Crux Ansata' ... was carried in the hands of the Egyptian priests and Pontiff kings as the symbol of their authority as priests of the Sun god and was called 'the Sign of Life'.
"According to W. E. Vine, the cross was used by worshipers of Tammuz, an Ancient Near East deity of Babylonian origin who had the cross-shaped taw (tau) as his symbol.
Tammuz (Syriac: ܬܡܘܙ; Hebrew: תַּמּוּז, Transliterated Hebrew: Tammuz, Tiberian Hebrew: Tammûz; Arabic: تمّوز Tammūz; Akkadian: Duʾzu, Dūzu; Sumerian: Dumuzid (DUMU.ZI(D), "faithful or true son") is a Sumerian god of food and vegetation, also worshiped in the later Mesopotamian states of Akkad, Assyria and Babylonia.
For the Romans, the cross is a symbol of punishment for those who violated their laws...BUT, Christ wholeheartedly offered Himself
Burahinand die on the cross instead....THE QUESTION NOW IS: Does the death of Christ on the cross justify that means of death for having violated their laws? A VERY BIG NO!!! The death of Christ on the cross has forever changed its meaning from a symbol of chastisement and cruelty of the Roman soldiers to Christ's symbol of LOVE For HUMANITY (1 COR 1:18)...If you won't believe that then you might be one of those who Christ's death for accusing Him of blasphemy.
Anti cristong hunghang yun yun. Kayo ang nagdaragdag kayo ang nagbabawas. At Iglesia ni cristo hindi iglesia ni manalo. Sa tawag pa lng sa INC binabago niyo palibhasa nadaya kayo ng mga paring kato_liko aral liko liko.
TumugonBurahinKaya nga po katoLIKO LIKO ang aral walag katotohanan.. At walang nakasulat na relihiyong Katoliko.. Dati din akong katoliko pero nalaman ko ang katotohanan na nakasulat sa bibliya na ang iglesia ni cristo ang tunay na maliligtas pagdating ng ARAW ng PAGHUHUHUKOM..
Burahin#ForeverINC
Tunay may antanda sa noo sa kanang kamay anti kristo hunghang.walang nakasulat sa biblia na salitang katoliko
TumugonBurahinAkoy dating katoliko.Nazareno nanay ko.ask ko lng.kung ung ns pasiong candaba at sa apocalipsys sa 13.na ipaguutos sa lahat ng tao.mayaman mhirap.mkpamgyarihan.na mgkaron ng tanda sa kanang kamay at sa noo.na yan ay sa mga huling panahon.sa panahon natin.sino o knino natupad yan.ang biblia pg nagsalita bgmat talinghaga o mhirap unawain.pero matutupad at mangyayari my mga tao o o pngkatin na ggawa nyan.dkasi pdeng diretsuhin yan ng biblia o salita ng Diyos.letra por letra.ang anti cristo mkikila.mg aantanda sila.mgku krus.gamit kanang kamay.una sa noo.
TumugonBurahinAlam ba ninyo na ang krus nun.parusahan sa mga taong mabibigat ang kasalanang nagawa.kaya pg ikaw ay nahatulang ipako sa krus.kahiya hiya ka..kaya nga isang kahihiyan sa aying Panginoong Jesucristo na siya ay mapako sa krus.subalit dahil sa knyang mga alagad at hinirang.tiniis nya ang lahat ng ito.simple lng.kung ang Cristo.ngayon nabuhay at sinugo ng Diyos.para sa kaligtasan ng mga taong sasamplataya sa knya.susunod sa knya.ang parusa nya.kundi firing squad.lethal injection.o silya elektrika.e d sa ssunod na henerasyon.iku kwintas mo ang panginoong Jesucristo.nakaupo sa silya elektrika.maganda bang tignan un.ang isang mabuting tao.anak ng Diyoa.parang ipinanganagalandakan mp.ns silya elektrika.un kasi ang ang katumbas ng krus noon.dpo pilosopo yan.
TumugonBurahinTama po
TumugonBurahin