Miyerkules, Abril 24, 2013

Sagot sa tanong ng isang Iglesia ni Cristo ni Manalo member

"Siyang nagsusugo ng PASUGO sa pamamagitan ng kamay ng mangmang, naghihiwalay ng kanyang mga paa at umiinom ng kasiraan" (Kawikaan 26:6)



1. Anu ang pangalan ng Iglesia ni Itinayo ni Cristo : Mateo 16:18, ipabasa mo pa yan Kay Abe, na bakla nakasuot ng Daster

SAGOT: Mabuti pasagutin natin ang PASUGO nila:

PASUGO 1966 ph. 46, "Ang IGLESIA KATOLIKA sa pasimula ay siyang Iglesia Ni Cristo"

 Sa Gawa 9:31 ng Griego, ganito po ang ating mababasa kung magaling sa Griego yang INC member na yan:

 Gawa 9:31 Bagong Tipan sa Griego, "ι μεν ουν εκκλησιαι καθ ολης της ιουδαιας και γαλιλαιας και σαμαρειας ειχον ειρηνην οικοδομουμεναι και πορευομεναι τω φοβω του κυριου και τη παρακλησει του αγιου πνευματος επληθυνοντο"

Sabi sa Griego, "εκκλησιαι καθ ολης" or "ekklesia katho'les". Yan po ang pangalan ng Iglesia na itatatag ni Cristo. Yung ganitong pangalan na:
 1. Iglesia Ni Cristo
2. Iglesia Ng Diyos
3. Sekta ng mga Nazareno
4. Kawan ni Cristo
5. Katawan ni Cristo
Description lang yan. Actually kasi, the name is not given. Kundi yung descriptions binigay sa Church. If the Church possesses these Biblical qualifications, then it is the BIBLICAL CHURCH IN MATTHEW 16:18


2. Kung Diyos ang Tamang salin sa Gawa 20:28 Dahil sa Theos sa Greek ang pagkasulat, sino yung diyos na tinutukoy sa Gawa 20:28 kung sino man yung griego ang nagsalin noon, dahil sa ang origihinal na sulat ay wala, si Cristo ba o yung Ama, Epabasa mo pa yan sa Tatay ni Abe na mahilig din mag daster...


SAGOT: Ang Diyos na tinutukoy dyan ay si Cristo sa Gawa 20:28 dahil Siya ang nagbili sa Iglesia ng Kanyang sariling dugo. Alangan naman ang Ama e ang Ama ay purong Espiritu. Sabi nga sa Juan 1:18 ang nagpakilala sa Ama ay ang Anak ng Diyos na Siyang Diyos (Juan 1:18, MBB, SND). Sige, for the sake of argument, babasahin ko para sa iyo ang Gawa 20:28 sa salin ng Salita ng Diyos, ganito po ang ating mababasa:

Gawa 20:28 (Salita ng Dios), "Kaya nga, ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan. Sa kanila ay itinalaga kayong mga tagapangasiwa ng Banal na Espiritu upang pangalagaan ninyo ang iglesiya ng Diyos na binili niya ng sarili niyang dugo."

Ang Diyos ba may dugo? Wala dahil gaya ng sinabi ko kanina, ang Diyos ay purong Espiritu sa Juan 4:24 kaya nagpapatunay lang dito na ang Diyos naging tao gaya natin sa Juan 1:14.

"At siya ang ulo ng katawan, samakatuwid baga'y ng iglesia..." (Colosas 1:18)


3. Sino ang nagbuhos ng Dugo para sa Iglesia? si Cristo ba o yung Ama?

SAGOT: Si Cristo dahil nagkatawang tao Siya gaya ng nakasaad sa Juan 1:14, ganito po ang ating mababasa:

Juan 1:14 (Salita ng Diyos), "Nagkatawang-tao ang Salita at nanahang kasama natin. Namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian ng bugtong na Anak ng Ama. Ang Salitang ito ay puspos ng biyaya at katotohanan."

Ngayon, sabihin mo na ang Salitang ito o ang Verbo ay nasa isip ng Ama ayon sa pakahulugan mo sa 1 Pedro 1:20 na kinuha ng mga ministro mo sa footnote ni Fr. Juan Trinidad S.J. Yan kasi problema sa inyo, you cannot distinguish the footnote from the commentary. Ang footnote, pwedeng mali yon pero ang commentary, yun ang official interpretation sa talata sa Biblia.


"Nang pasimula, siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios" (Juan 1:1)




  
Ngayun ipakita ko sa iyo ang basehan kung bakit marapat lamang IGLESIA NI CRISTO ang tamang salin doon dahil sa mga nakasulat na eto, KOKONTRAHIN MO ANG IBANG KASULATAN KUNG IPAGPIPILITAN MO NA KATOLIKO ANG NAKASALAT DOON..BASA

"How much more, then, will the BLOOD OF CHRIST, who through the eternal spirit offered himself unblemished to God, cleanse our consciences from acts that lead to death, so that we may serve the living God!" (Hebrews 9:14 NIV)

"A person can never redeem himself; he cannot pay God the price for his life, because the payment for a human life is too great. What he could pay would never be enough to keep him from the grave, to let him live forever."(Ps. 49:7-9, TEV)

"But by becoming a curse for us Christ has redeemed us from the curse that the law brings; for the scripture says, 'Anyone who is hanged on a tree is under God's curse'."(Gal 3:13 TEV)

"Take heed therefor to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood."(Acts 20:28 Lamsa).

ALam niyo brod, naawa ako sa inyo, Kaming mga Iglesia ni Cristo, wala kay Kapatid na Felix ang pananampalataya, kundi sa tamang katuwiran ng diyos, hindi sa tao...naway patulugin ka nitong mga isinulat ko sa iyo:)


SAGOT: Kung gusto mong labanan ang Gawa 20:28 ng Griego, sisihin mo si San Lucas na nagsulat non kung bakit hindi isinulat sa Aramaic ang Gawa. Mas naawa naman ako sa inyo kasi nagtitiwala kasi kayo sa TAO at hindi sa Diyos. Binaba ninyo ang lebel ni Cristo e kung titignan mataas ang lebel Niya sa mga propeta, apostol, Cristiano at maging sa Diyos Ama mismo. Tandaan mo, ang TAO gaya ng ginamit mong talata, yung Awit 49:7-9, hindi kaya iligtas ang sarili niya. Kung sarili pa lang nya, hindi na nya kayang iligtas, mundo pa kayang makasalanan? Kaya, tanging ang Diyos lamang ang makakapagligtas sa tao. Si Cristo, hindi Siya originally tao, ang katunayan ay yung sinabi sa Hebreo 10:5, ganito po ang ating mababasa:

Hebreo 10:5 (Salita ng Diyos), "Kaya nga, nang dumating siya sa sanlibutan, sinabi niya: Hindi mo inibig ang mga handog at mga hain. Ngunit naghanda ka ng katawan para sa akin."

Si Cristo ayon sa talata, pinaghandaan Siya ng katawan dahil hindi Siya originally tao. Bakit Siya pinaghandaan ng katawan? Basahin natin yung nasa Hebreo 10:7, ganito po ang ating mababasa:

Hebreo 10:7 (Salita ng Diyos), "Pagkataposnito, sinabi ko: Narito, dumarating ako sabalumbon ng aklat na nasulat patungkol saakin, upang sundin ang iyong kalooban, ODiyos."

Batay po sa talata, pinaghandaan Siya ng katawan upang sa Kanyang pagkakatawang tao, magawa Niya ang kalooban ng Ama at tuparin Niya ang mga nakasulat sa mga propeta patungkol sa Kanya. Kaya nga yan ang tinutuya ng mga ministro mo Abe e, "Meron ba ikang Diyos na TINUTULI, NAUUHAW, NAGUGUTOM, NAMAMATAY?"

Ngayon, ako naman, "Meron ba ika TAONG nagpapatawad ng kasalanan? Meron bang TAONG magsasabing Siya na bago pa isinilang si Abraham? Meron bang TAONG muling nabuhay nang ikatlong araw? Meron bang TAONG magsasabing Siya at ang Ama ay iisa at ang nakakakita sa Kanya nakakakita sa Ama?"


Tanong din iyan sa mga Iglesia ni Cristo ni Manalo: Sino si Jesus sa kanila kung hindi Siya Diyos? Sinungaling o may sira ang ulo?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento